1,400 na pamilya sa Bulacan na nasalanta ng Bagyong Karding, tinulungan ng PCG
(Photo: PCG)
Aabot sa 1,400 na pamilya na nabiktima ng Bagyong Karding sa San Miguel, Bulacan ang nabigyan ng ayuda ng Philippine Coast Guard.
Kabilang sa mga ibinigay na tulong ng PCG ang bigas, tinapay, at purified drinking water.
Layon ng naturang inisiyatibo na makatulong sa unti-unting pagbangon ng mga residente sa iniwang pinsala ng Bagyong Karding.
Base sa pinakahuling talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 11 katao ang nasawi sa bagyo.
Patuloy namang pinaghahanap ng search and rescue team ang anim na katao na naiulat na nawawala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.