OWWA nag-alok ng tulong sa isa sa ‘Fallen 5’ ng Bulacan

Handa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magbigay tulong sa isa sa mga nasawing rescuers sa Bulacan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Karding.

Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio nalaman nila na si Marby Bartolome at isang seafarer at dating overseas Filipino worker (OFW).

Kabilang si Bartolome sa mga nasawing miyembro ng Rescue Unit ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office noong madaling araw ng Setyembre 26 sa Barangay Camias sa bayan ng San Miguel.

Ang apat iba pa ay sina Jerson Resurreccion, Troy Justin Agustin, George Agustin  at Narciso Calayag.

Nabatid naman na nakausap na ni OWWA RWO 3 Dir. Atty. Falconi Millar ang mga naulila ni Bartolome para sa mga benepisyo ng non-active OFW sa ilalim ng Welfare Assistance Program – Bereavement Assistance.

Read more...