Philippine Ports Authority top officials inireklamo ng pang-aabuso sa Ombudsman

By Jan Escosio September 29, 2022 - 05:04 PM

Sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman sina Philippine Port Authority (PPA) Francisquiel Mancile at Assistant General Manager Sesenio Sereno III dahil sa mga diumanoy pang-aabuso sa kapangyarihan.

Sa reklamo ni Genardo Mancio, acting manager ng PPA-Ports Police Department, sinabi nito na lumabag sa Article 177 ng Revised Penal Code sina Mancile at Sereno.

Aniya noong nakaraang Hulyo 25, inilabas ang Order No. 2022 – 150 ni Transportation Sec. Jaime Bautista na nagtalaga kay Mancile bilang OIC ng ahensiya at kabilang sa mga unang inilabas na kautusan ng huli ay ang ‘reshuffle’ sa Port Police.

Ani Mancio mula sa pagiging acting department manager ay ginawa na lamang siyang station manager sa PPA Masbate.

Nalaman na lamang nito mula sa kanilang Human Resources na dahil OIC lamang ay walang kapangyarihan si Mancile na magpalabas ng naturang kautusan.

Gayunpaman, sumunod si Mancio sa utos ngunit inihain niya ang reklamo sa katuwiran na hindi dapat pamarisan ang mga maling gawa.

TAGS: abuse, ombudsman, ppa, abuse, ombudsman, ppa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.