Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa #KardingPH, pumalo na sa P2.02-B
Pumalo na sa P2.02 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa Bagyong Karding.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), nasa 91,944 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Nasa 117,663 metrikong tonelada ng produktong agrikultura ang nasira.
Kabilang sa mga nasira ang mga pananim na palay, mais, gulay, livestock at poultry products.
Tiniyak naman ng DA na may nakalaang ayuda sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Nasa P170.34 milyong halaga ng binhi ng palay, P23.16 miilyong halaga ng corn seeds at P13.55 milyong iba’t ibang buto ng gulay ang ipamamahagi ng DA.
Nasa P2.45 milyong halaga naman ng animal heads, drugs at biologis para sa livestock at poultry ang ipmamahagi ng DA.
Mayroon ding ayuda ang mga mangingisda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.