Anim hanggang siyam na bagyo, maaring pumasok sa bansa bago matapos ang 2022
Nasa anim hanggang siyam na bagyo pa ang maaring tumama sa bansa bago matapos ang taong 2022.
Ayon kay PAGASA Administrator Vicente Malano, sa buwan ng Oktubre, nasa dalawa hanggang apat na bagyo ang maaring tumama sa bansa.
Babala ni Malano, maghanda ang publiko dahil malalakas na bagyo ang tumatama na ngayon bunsod ng climate change.
Gayunman, mayroon naman aniyang paghahanda na ginagawa ang gobyerno.
Halimbawa na ang hazard mapping.
Ibig-sabihin, dapat nang iwasan ang pagtatayo ng bahay sa mga tabing-ilog o gilid ng bundok para makaiwas sa sakuna.
Dapat din aniyang palakasin pa ang mga itatayong istraktura.
Pinalakas na rin aniya ng pamahalaan ang istratehiyang information, education at communication.
“Sa ting mga kababayan po ay patuloy po nating intindihin kung paano iyong mga ginagawa ng PAGASA, maunawaan po natin iyong ating mga terminology dahil mayroong ibang mga terminology talaga na hindi natin maiiwasan. Ang sabi ko nga, kapag nagbigay ng warning ang PAGASA ay titingnan po natin, sundin po natin dahil kung minsan, sabi natin mahina lang naman iyong bagyo, pero ang kategorya kasi natin ng bagyo ay doon sa hangin. So, mayroon tayong binibigay na warning patungkol sa ulan, pero huwag nating sabihin na kapag mahina iyong bagyo ay mahina din iyong ulan, dahil kamukha lang din naman noong Ondoy, eh mahina kumpara sa mga ibang bagyo pero malakas iyong ulan noong panahon ng Ondoy,” pahayag ni Malano.
“Sa atin pong naieksperyensiya ngayon ay kapag may bagyo ay talagang malalakas ang ulan so, kapag nagbigay ng information o warning ang PAGASA ay lagi po nating sundin,” dagdag ni Malano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.