Shellfish na nakokolekta sa Panay, Capiz positibo sa toxic red tide

Positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang mga shellfish na nakokolekta sa baybaying-dagat ng Roxas City sa Panay at sa Pilar sa Capiz.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat.

Bukod dito, positibo rin sa red tide ang baybaying dagat sa Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Maari namang kainin ang isda basta’t siguraduhin na hinugasan ng mabuti, tinanggal ang hasang at kaliskis at niluto ng mabuti.

Read more...