Green at climate-resilient economy, isinusulong ni Pangulong Marcos
Isinusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang green at climate-resilient economy sa bansa.
Pahayag ito ng Pangulo sa pagdalo sa 55th annual meeting ng board of governors ng Asian Development Bank sa Mandaluyong City.
“I believe that at the heart of this goal is in the way that we must develop an economy that is green, that is sustainable, truly climate-resilient and responsive to people’s immediate needs,” pahayag ng Pangulo.
Nanawagan din ang Pangulo sa pribadong sektor na makipag-ugnayan sa pamahalaan para magkaroon ng mas magandang kinabukasan sa post-pandemic global economy.
Pinasalamatan ng Pangulo ang ADB sa patuloy na pagiging partner ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng loans, technical assistance, at iba pa.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang ADB sa pagbibigay ng $3 milyong ayuda para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.