Power couple Marian at Dingdong Dantes at Unilab, namahagi ng vitamins sa mga bata

By Chona Yu September 29, 2022 - 02:10 PM

(Courtesy: Unilab)

Nagsanib puwersa ang power couple na sina Marian at Dingdong Dantes sa Caritas at Ceelin para protektahan ang kabataan sa bansa.

Pangunahing prayoridad kasi ng mag-asawang Dantes na mapangalagaan ang mga bata gaya ng kanilang anak na sina Zia at Sixto.

“Parenting is a very challenging task. As we discover every day, andami namingnatutunan. I think during this pandemic, bottom line is kalusuganangpinaka-kailangannatin. We want to do so many things. Our kids want to do so many things. But the fact is that marami pang daratingnamgahadlang like viruses and the only way to fight them is to have a strong immunity,” pahayag ni Dingdong.

“Marian especially needs a strong mindset because she’s a very hands-on mom. We are a tandem. S’yamaghahanda, akomaghahatid at akomagsusundo. Mahalagana dun pa langsa prep stuff, kumbaganapapatibay at napapalakasnanaminsila so that when they go to school especially now it’s face-to-face, there’s a certain level of protection when they want to get into sports para alamnatinnakayang-kaya ng katawannila,” pahayag pa ng aktor.

Para lalo pang mapalakas ang pangangatawan ng kanilang mga anak, pinaiinom ng mag-asawang Dantes ang mga bata ng bitamina na Ceelen plus na gawa ng kompanyang Unilab.

Mayroon itong Ascorbic Acid + Zinc na nagbibigay ng dobleng proteksyon.

“Nakikita naming ang benepisyo ng Ceelin especially now nag-fi-face-to-face classes na ‘yung mga anak namin. Sorry for the term talaga, for being a mom is being paranoid and OA talaga. Hangga’t kaya mongibigay at siguraduhin na secure ang kalusugan nila, lahat ng pwede mong ibigay, ibibigay mo talaga. So nandyan ang Ceelin Plus para sa amin,” pahayag ni Marian.

Nakipagtulungan din ang Unilab sa Caritas Philippines para sa pamamahagi ng bitamina.

Nasa 100,000 na bata sa buong bansa ang nabigyan na ng bitamina mula nang ilunsad ang proyekto noong Marso 2022.

TAGS: Dingdong Dantes, Marian Rivera, news, Radyo Inquirer, Dingdong Dantes, Marian Rivera, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.