NTC nalagpasan ang 2022 collection target na P1.05 bilyon

By Chona Yu September 29, 2022 - 10:51 AM

NTC Facebook photo
Tatlong buwan pa bago matapos ang 2022, pero nalagpasan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kanilang 2022 collection target ng mahigit P1.05 bilyon o 18.71 percent. Itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang target collection ng komisyon ngayong taon sa P5.58 billion, subalit as of Sept. 27, ang kanilang actual collection ay pumalo na sa P6.63 bilyon Sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel A. Cordoba na, “The NTC’s systematic collection effort is the Agency’s modest way of contributing to the public service programs of our dear President Ferdinand R. Marcos, Jr. – priorities of which are on food security, free and universal primary education, and public health.” Kinilala rin ng Cordoba ang kontribusyon ng mga empleyado ng ahensya at hinimok ang mga ito na ibigay ang final push sa paglikha ng mas mataas na income bago matapos ang taon. Pinasalamatan din ng komisyoner si Secretary Ivan John Uy at ang buong DICT sa suportang ibinibigay sa NTC. Ang tagumpay ng NTC ay bunga ng pagsisikap ng kanilang personnel na istriktong ipatupad ang pagtalima ng stakeholders sa pagre-remit ng spectrum users’ fees, supervision at regulation fees at penalties.  Ang NTC ay ang ahensya ng pamahalaan na nagre-regulate sa cable at commercial television operators, broadcast radio stations, telecommunications companies at commercial at portable radio operators.

TAGS: news, NTC, Radyo Inquirer, target, tax collection, news, NTC, Radyo Inquirer, target, tax collection

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.