Illegal online gambling, hindi POGO – Pagcor

Nilinaw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na hindi Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) ang mga illegal online gambling.

Pagdidiin ng state gambling regulator na ang indibiduwal o grupo na nag aalok ng online gambling na walang permiso sa Pagcor ay hindi dapat bansagan na POGO.

Ayon kay Pagcor Chairman at CEO Alejandro Tengco ang operasyon ng POGOs ay mahigpit na sinusubaybayan ng ahensya.

Dagdag pa nito, ang anumang gaming entity na hindi makapasa sa proseso ng aplikasyon para sa isang offshore gaming license at makakasunod sa requirements ay hindi matatawag na Legal Offshore Gaming Operator.

Nagpapatuloy naman aniya ang kanilang pakikipagugnayan sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno kaugnay sa mga krimen at ilegal na aktbidad na ikinakabit sa POGO.

Naibahagi ng opisyal na sa ngayon ay may 34 aprubadong POGO operators, 127 accredited service providers at limang special class BPOs na sumailalim sa kanilang pagsisiyasat.

Read more...