AFP binanatan ni Sen. Raffy Tulfo sa mga sundalo na ‘atsoy’

By Jan Escosio September 29, 2022 - 09:53 AM

Itinuturing ni Senator Raffy Tulfo na pagma-maltrato sa mga sundalo na ginagawang ‘atsoy’ o ‘atsay’ sa bahay ng mga matataaas na opisyal.

Sa pagdinig sa 2023 budget ng Armed Forces of the Philippines, ipinaalala ni Tulfo sa mga heneral na hindi sinanay ang mga sundalo para maging hardinero, taga-palengke, tagalinis ng bahay at banyo.

Pagdidiin niya, namuhunan ang gobyerno sa pagsasanay ng mga sundalo at ang itinuro sa kanila ay paghawak ng baril at pagdepensa sa bansa.

Pagbabahagi ng senador na nalaman niya na may mga heneral na sa halip na kumuha at magbayad ng kasambahay ay naglalabas sila ng mga sundalo sa mga kampo para magsilbi sa pamilya ng mga opisyal.

Aniya nalaman niya ito base sa mga sumbong ng mga misis ng mga sundalo na ginagawang ‘atsoy’ ng mga opisyal.

Pagtitiyak naman ni Defense Officer-in-Charge Jose Faustino Jr., na paiimbestigahan niya ang naturang isyu.

TAGS: news, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo, sundalo, news, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo, sundalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.