Bagyong Luis, lumakas pa

By Chona Yu September 29, 2022 - 09:44 AM

Lalo pang lumakas anng Bagyong Luis habang tinatahak ang northern limit ng Philippine Area of  Responsibility.

Base sa 5:00 a.m. advisory ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa 1,090 kilometro silangan ng Northeast of Extreme Northern Luzon.

Kumikilos ang bagyo sa northward direction sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang hangin na 75 kilometro kada oras at pagbugso na 90 kilometro kada oras.

Wala namang itinaas na Tropical Cyclone Wind Signal ang Pagasa.

Ayon sa Pagasa, inaaasahang nasa 1,165 kilometro silangan ng Northeast of Extreme Northern Luzon o labas na ng Philippine Area of Responsibility ang  bagyo mamayang 2:00 ng hapon.

 

TAGS: Bagyong Luis, lumakas, news, northern luzon, Pagasa, Radyo Inquirer, Bagyong Luis, lumakas, news, northern luzon, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.