Eastern Indonesia, niyanig ng 6.3 magnitude na lindol

By Kabie Aenlle June 06, 2016 - 05:12 AM

banda seaTumama ang 6.3 magnitude na lindol sa Banda Sea sa eastern Indonesia, kaninang hatinggabi.

Sa kabila nito, wala namang itinaas na tsunami alert sa lugar.

Naganap ang lindol 12:25 ng hatinggabi ng Lunes, at may lalim itong 428 kilometers, sa layong 300 kilometers mula sa Ambon island.

Ayon sa Meteorology, Climatology and Geophysics Agency ng Indonesia, malayo sa lupa ang episentro ng lindolat hindi naman ito gaanong kalakasan para magdulot ng tsunami.

Ang Indonesia ay nasa Pacific Ring of Fire, kaya madalas itong nakakaranas ng mga seismic at volcanic activity tulad ng Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.