Tinatayang aabot sa mahigit P135.09 milyon ang halaga ng mga napinsalang kalsada, tulay, at flood-control structures dahil sa Bagyong Karding.
Base sa assessment hanggang Miyerkules, Setyembre 28, umabot sa P34.71 milyon ang halaga ng sira ng ilang kalsda, P22.39 milyon sa tulay, habang P77.99 milyon naman sa flood-control structures.
Umabot sa P19.6 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa Cordillera Administrative Region (CAR), P9.11 milyon sa Region 2, P91.38 milyon sa Region 3, P3 milyon sa Region 4-B, at P12 milyon sa Region 6.
Samantala, limang national road sections ang nananatili pang sarado sa mga motorista:
– Kennon Road in Benguet, sarado sa mga hindi residente para sa safety reasons;
– Cabagan-Sta. Maria Overflow Bridge sa Isabela dahil sa pagbaha;
– Nueva Ecija-Aurora Road, Diteki River Detour Road dahil sa pagbaha;
– Baliwag Candaba – Sta.Ana Road K0068+800 – K0069+150 Brgy. San Agustin, Candaba, Pampanga dahil sa pagbaha;
– Hamtic-Bia-an-Egaña- Sibalom Road, Egaña Bridge K0094+603 – K0094+640 sa Brgy. Egaña -Buhang, Sibalom, Antique dahil sa gumuhong steel bridge.
Iniulat din ng kagawaran na tatlong kalsada pa ang may limitadong access, kabilang ang Gapan Ft. Magsaysay Road, K0107+100, Brgy. Padolina, General Tinio; Candaba-Sana Miguel Road sa Pampanga; at Angeles-Porac-Floridablanca Dinalupihan Road, K0089+051, Mancantian Bridge sa Pampanga.