China, walang pakialam sa desisyon ng UN

By Kabie Aenlle June 06, 2016 - 05:03 AM

INQUIRER FILE PHOTO
INQUIRER FILE PHOTO

Inaasahan na ng China na papabor sa Pilipinas ang magiging desisyon ng United Nations arbitration court kaugnay sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Sakali mang iyon ang mangyari, wala rin namang pakialam ang China dahil hindi pa rin nila ito susundin.

Sa isang pahayag sa website ng Chinese foreign ministry, sinabi ni Chinese Vice Foreign Minister Liu Zhenmin na ang kasong inihain ng Pilipinas ay hindi naman naglalayong resolbahin ang anumang isyu.

Bagkus, ito aniya ay para lamang tanungin ang arbitral tribunal kung ano ang kanilang interpretasyon nila sa Convention on the Law of the Sea.

Ayon pa lay Liu, hindi nila tinatanggap ang kasong ito at hindi sila makikisali dito dahil alam nilang ang Pilipinas lang naman ang pinakinggan ng UN kaya malamang na hindi ito papabor sa kanila.

Sinabi naman ni incoming Foreign Secretary Perfecto Yasay Jr. na hihingi siya ng tulong sa mga kaalyadong bansa ng Pilipinas upang kumbinsehin ang China na makipag-negosasyon kaugnay sa desisyon ng UN Permanent Court of Arbitration.

Katwiran ni Yasay, maging pabor man sa atin ang desisyon ng UN, posibleng may mga katanungan pa rin kaugnay sa pagpapatupad nito ang lumabas kung saan hindi na makakatulong ang korte.

Inaasahang malapit nang ilabas ng arbitration court sa The Hague ang kanilang desisyon kaugnay sa kasong ito sa mga susunod na linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.