Handa na ang Pilipinas na tumanggap ng mga dayuhang negosyante.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbubukas ng bagong terminal building sa Clark International Airport sa Mabalacat, Pampanga.
Ayon sa Pangulo, mahalaga rin na maisulong ang public-private partnership sa mga programang imprastraktura.
“And this facility is essentially a very strong signal that yes, indeed, we are open for business. We just opened a new terminal. It is state-of-the-art, and this is one of the things that we will continue to do in the future to bring you all to come and be partners with the Philippines to help the lives of our people to help the Philippine economy and para pagandahin ang buhay ng Pilipino, para pagandahin naman natin ang Pilipinas,” pahayag ng Pangulo.
Paliwanag ng Pangulo, hindi kasi magtatagumpay ang isang proyekto kung hindi magtutulungan ang public at private companies.
“Again, the simple message that underlay all that we did was that the Philippines is here, we are a good place to invest, we are probably the most vibrant economy that the — that is in Southeast Asia, and we understand the requirements and the needs of our potential investors and we will attend to do — we will do everything so that that partnership becomes to the advantage of both the private sector, the public sector, to the people,” pahayag ng Pangulo.
Umaasa ang Pangulo na kapag pumasok na ang mga dayuhang negosyante, magdadala ito ng mga turista at magbibigay naman ng trabaho sa mga ordinaryong Filipino.
Katunayan, sinabi ng Pangulo na isa sa mga layunin sa pagdalo sa katatapos na 77th United Nations General Assembly sa New York ay mahikayat ang mga Amerikanong negosyante na magtungo sa Pilipinas att mamuhunan.
Ibinida ng Pangulo sa Amerika na mas madali na ngayon ang pagpoproseso sa pagenegosyo sa bansa.
“It is the message that we tried to carry when we were in New York. Outside of the United Nations, we met with many businessmen na mga CEO, heads of corporations, and the idea was to tell them, we have — we are willing to change in terms of documentation, procedure, even structure, even legislation, to encourage you to come into the Philippines,” pahayag ng Pangulo.
May mga batas na rin aniya na inilatag ang pamahalaan para maiwasan ang korupsyon.
Bukod sa Clark International Airport, target din ng Pangulo na buksan ang iba pang regional airpot sa ibat ibang bahagi ng bansa.