10 katao patay, 8 nawawala dahil sa Bagyong Karding
Umakyat na sa 10 katao ang bilang ng nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Karding.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, limang rescuers ang nasawi sa Bulacan, dalawa ang nalunod at aksidente sa motor sa Zambales, isa ang nasawi sa landslide sa Burdeos, Quezon, isa ang nasawi matapos malunod sa Baliwag, Bulacan at isa ang nasawi sa Tanay, Rizal.
Umakyat naman sa walo katao ang bilang ng mga nawawala at patuloy na pinaghahanap pa. Dalawa sa mga ito ang nawawala sa Antipolo, Rizal, isa sa Patnanungan, Quezon, limang mangingisda ang nawawala sa Mercedes, Camarines Norte.
Nasa 39,893 na pamilya o 157,023 katao ang naapektuhan ng bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.