Kasado na ang business investment summit na isasagawa sa Novotel Manila sa Quezon City sa Oktubre 7.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, isasagawa ang business investment summit para mapalakas pa ang pagnenegosyo sa lungsod na una nang pinadapa dahil sa pandemya sa COVID-19.
“Higher business confidence leads to jobs, higher productivity, increased labor demand, and accelerated economic growth. Our constant coordination with the business community enables us to foster a relationship of mutual respect and support,” pahayag ni Belmonte.
“One of our major thrusts is that social services for all are guaranteed. Every year, we progressively increase the budget dedicated to social services. We started with a budget of P9.8 billion in 2019. This year, our budget is at P16.1 billion which has proven to be an inclusive social safety net for all marginalized and underprivileged sectors,” dagdag ng Mayor.
Ilalatag ng pamahalaang lungsod ang ease of doing business” para mapadali ang proseso ng pagnenegosyo.
Tema sa summit ang “QC is Future Ready.”
Tiniyak pa ni Belmonte na walang puwang sa lungsod ang korupsyon sa negosyo.
Sinabi naman ni Perry Dominguez, ang head ng organizing committee ng summit na target ng aktibidad na matipon ang mga negosyante at maengganyo na magnegosyo sa lungsod.
“We want to achieve three things at this event. We want to generate investments for our city, build partnerships favorable to all QCitizens; and we want to make Quezon City the top-of-mind preferred investment destination,” pahayag ni Dominguez.