Tatlong biktima ng human trafficking, naharang ng PCG
(Courtesy: PCG)
Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang tatlo katao na hinihinalang biktima ng trafficking in person sa Zamboanga del Sur.
Ayon sa PCG, sakay na ang tatlong biktima sa isang commercial passenger vessel at patungo n asana sa Tawi-tawi nang maharang ng kanilang hanay.
Isa sa mga biktima ay isang 44-anyos na babae, isang 37 anyos na lalaki at isang siyam na taong gulang na batang lalaki.
Ayon sa salaysay ng mga biktima, ni-recruit sila na bumiyahe patungo ng Sabah, Malaysia sa pamamagitan ng back door channel.
Nakipag-ugnayan na ang PCG sa Municipal Inter-agency Committee Against Trafficking at sa PNP Station Tawi-tawi para sumailalim sa debriefing ang mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.