Isang low pressure area na nasa loob ng Philippine Area of Responsbility ang binabantayan ngayon ng Pagasa sa posibilidad na maging bagyo ito.
Ayon sa Pagasa, namataan ang LPA sa 1,240 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon.
Maaring maging bagyo ang LPA sa susunod na 48 oras.
Ayon sa Pagasa, hindi naman inaasahan na direktang makaapekto sa bansa ang LPA.
Samantala, patuloy namang nagpapa-ulan sa central at southern Luzon ang southwest monsoon o ang hanging habagat.
Kamakailan lamang, tumama sa bansa ang Bagyong Karding kung saan walo katao ang iniwang patay.
READ NEXT
Dating Quezon City Assistant City Prosecutor, itinalaga ni Pangulong Marcos bilang CHR chairman
MOST READ
LATEST STORIES