UK, tutol sa death penalty sa Pilipinas

By Kabie Aenlle June 06, 2016 - 05:02 AM

Inquirer FILE PHOTO
Inquirer FILE PHOTO

Ipinaliwanag ni British Ambassador to the Philippines Asif Ahmad na hinding hindi ie-extradite ng United Kingdom sa Pilipinas ang mga Pilipinong nahatulan nila doon, kahit pa may kasunduan ang dalawang bansa kaugnay dito.

Ito ay dahil sa balak ni President-elect Rodrigo Duterte na ibalik ang death penalty sa bansa.

Giit ni Ahmad, tutol sila sa parusang bitay sa kahit saang bansa sa mundo, at ikalulungkot aniya nila kung babalik ito sa Pilipinas.

Mayroon kasing umiiral na extradition treaty sa pagitan ng UK at Pilipinas, at ani Ahmad, maaapektuhan ito kung ibabalik ang capital punishment sa bansa.

Dagdag pa ni Ahmad, hindi nila ipapadala sa Pilipinas ang sinuman kung isasailalim rin lang naman ito sa parusang bitay.

Naniniwala si Ahmad na hindi solusyon sa kriminalidad at droga ang parusang bitay, tulad ng kabiguan nitong itigil ang dalawang nasabing problema sa Estados Unidos at Indonesia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.