Malalaking minahan, binantaan ni Duterte

By Kabie Aenlle June 06, 2016 - 04:59 AM

duterte2Inakusahan ni President-elect Rodrigo Duterte ang mga malalaking minahan ng paninira ng kalikasan, kaya binantaan niya ang mga ito na ayusin ang kanilang gawain.

Sa kaniyang talumpati sa thanksgiving party niya noong Sabado, dapat itigil na ng mga minahan ang kanilang paninira sa kalikasan, tulad ng ginagawa sa Surigao kung saan hukay lang nang hukay ang mga minero.

Banta pa ni Duterte, kung hindi aayusin ng mga minahan ang kanilang ginagawa, ipapaubaya na niya ito sa mga local investors.

Sa halip rin, titipunin ni Duterte ang mga Pilipinong minero at bubuo ng kooperatiba para sa mga ito, at saka niya tuturuan kung paano pangalagaan ang lupa.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit hindi niya ibinigay sa kaniyang campaign manager na si Leoncio Evasco ang posisyon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Naniniwala si Duterte na dapat mula sa militar ang mamamahala sa DENR na kayang magbigay ng utos sa mga sundalo para pigilan ang mga minahan sa paninira ng kalikasan.

Malaking problema kasi aniya ang mga malalaking mining companies, at gagamitin na niya ang militar upang pigilan ang mga ito.

Kumpyansa naman si Chamber of Mines-Caraga Region Inc. (CMRI) president Dulmar Raagas na magiging patas si Durterte sa mga mining companies, lalo’t alam naman nilang responsable sila sa kanilang pagmi-mina.

Hindi rin naman aniya sila tutol sa polisiya ni Duterte na pagpapairal ng Australian-standard mining operation.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.