Bagong commissioner ng CHR, itinalaga ni Pangulong Marcos

 

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Ombudsman prosecutor Attorney Beda Epres bilang bagong commissioner ng Commission on Human Rights.

Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang appointment paper ni Epres noong Setyembre 15.

Ayon sa pahayag ng CHR, malaking tulong si Epres sa kanilang hanay lalot malawak ang kaalaman at karanasan nito sa trabaho.

Magsisilbi si Epres bilang Commissioner hanggang sa taong 2029.

Nagtapos si Epres sa kursong Political Science sa Far Eastern University noong 1995.

Bago naitalaga sa puwesto, nagsilbi si Epres sa human rights ombudsman.

 

Read more...