3 nawawala matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog sa Laguna
Tatlong tao ang naitalang nawawala matapos rumagasa ang flash flood sa isang ilog sa bayan ng Majayjay sa Laguna, Linggo ng hapon.
Ayon kay Majayjay police chief Senior Insp. Marcelino Marcial, ang mga biktima ay mga guests sa Dalitiwan Resort sa tabing-bundok as Brgy. Ilayang Banga.
Ani Marcial, biglaang umulan dakong alas-4:30 ng hapon na nagbunga ng pag-ragasa ng baha pababa mula sa bundok.
Dahil dito, apat na katao ang inanod ng malakas na agos ng tubig sa ilog, at ang isa sa kanila ay mapalad na nasagip.
Gayunman, as of 7:30 ng gabi, nawawala pa rin ang tatlong ina pa kabilang na ang isang anim na taong gulang na bata, 33-anyos na lalaki, at isang nagnga-ngalang Vanessa Carillo mula sa Dasmariñas City sa Cavite.
Ipinagtaka naman nila kung bakit hindi pa umahon ang mga biktima sa ilog, gayong inabisuhan na sila ng mga tauhan ng resort na maaring tumaas bigla ang lebel ng tubig dahil sa ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.