P500 milyong pondo, ipang-aayuda ng DA sa mga magsasaka na naapektuhan ng Bagyong Karding
Aabot sa P500 milyong Quick Response Fund ang inihanda na ng Department of Agriculture para ipang-ayuda sa mga magsasaka na naapektuhan ng Bagyong Karding.
Ayon sa DA, mayroon din financial assistance na makukuha ang mga magsasaka sa ilalim ng Survival and Recovery Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council.
Sa ngayon, nasa P160 milyong halaga ng agrikultura ang nasira ng bagyo o katumbas ng 7,457 metrikong tonelaga ng palay, gulay, high value crop at iba pa.
Karamihan sa mga magsasaka na naapektuhan ang nasa bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon at Bicol Region.
May nakahanda naman ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na fingerlings at fishing paraphernalia para ipang-ayuda sa mga mangingisda.
Samantala, dahil nasa state of calamity ang Nueva Ecija, ipatutupad ang automatic price freeze sa presyo ng mga bilihin.
Binabalaan ang mga negosyante na sumunod sa batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.