Nasa P15.2 bilyon ang inilaang pondo ng Department of Budget and Management para sa bagong tatag na Department of Migrant Workers (DMW).
Ito ay nakapaloob sa 2023 National Expenditure Program (NEP).
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, nais kasi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyakin na naalagaan at natutugunan ang pangagailangan ng mga overseas Filipino workers.
“Our OFWs are our modern-day heroes. We honor their sacrifices, as they work hard to uplift the lives of their families and to enhance our country’s economy through their remittances,” pahayag ni Pangandaman.
Suportado aniya ng DBM ang adbokasiya ng Pangulo na ligtas ang mga OFW.
“We know and feel the difficulties our kababayans face by being far from their loved ones and we continue to ensure that they will be afforded with the appropriate support they need,” pahayag ni Pangandaman.
Sa naturang pondo, P3.5 bilyon ang nakalaan sa Office of the Secretary ng DMW kung saan 77% o P2.7 bilyon ang pamumunta para sa Overseas Employment and Welfare Program.