Mga evacuee sa QC, nakauwi na

 

Nakabalik na sa kani-kanilang tahanan ang 746 na pamilya o 2,750 na indibidwal na pansamantalang lumikas dahil sa Bagyong Karding.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nagsagawa na ng paglilinis ang mga tauhan ng Department of Sanitation and Cleanup Works sa mga eskwelahan.

Ginawa kasing pansamantalang evacuation center ng mga evacuee ang mga eskwelahan.

Ayon kay Belmonte, pupsusan ang paglilinis ng kanilang hanay para makabalik na sa eskwela ang mga estudyante.

Partikular na ayon kay Belmonte ang Apolonio Samson Elementary School sa Barangay Apolonio Samson at Diosdado Macapagal Elementary School sa Barangay Tatalon.

 

 

Read more...