8 patay sa Bagyong Karding

September 27, 2022 - 08:41 AM

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Patay ang walo katao matapos ang pananalasa ng Bagyong Karding sa bansa.

Base sa talaan ng National Disaster risk Reduction and Management Council, limang rescuers ang nasawi sa baha sa Bulacan, dalawa ang nasawi sa Zambales at isa sa Quezon.

Nasa P160 milyong halaga ng agrikultura naman ang nasira.

Nasa 16, 476 pamilya o 60,817 na katao ang naapektuhan ng bagyo.

Nasa 51,811 katao ang lumikas at ngayon ay pansamantalang naninirahan sa ibat-ibang evacuation center.

Nasa P1.5 milyong halaga naman ng relief goods ang naipamahagi na ng pamahalaaan sa mga apektadong residente.

Nasa 32 na munisipyo at siyudad na ang nagdeklara ng state of calamity.

 

 

TAGS: Bagyong Karding, NDRRMC, news, patay, Radyo Inquirer, Bagyong Karding, NDRRMC, news, patay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.