Nagkasa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng clean-up drive sa Dolomite Beach sa Lungsod ng Maynila.
Ito ay matapos ang pagtama ng Bagyong Karding na nakaapekto sa mga lalawigan ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.
Inalis ng MMDA workers ang mga basura na napadpad sa dalampasigan dahil sa malakas na buhos ng ulan dulot ng malakas na bagyo.
Daan-daang sako ng basura ang nakolekta ng MMDA workers.
WATCH: Clean-up drive ng @MMDA sa mga basura sa Dolomite beach kasunod ng pananalasa ng bagyong #KardingPH
🎥: Jun Corona & Richard Garcia/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/XfYYzFSrwy
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) September 26, 2022
MOST READ
LATEST STORIES