1 hinihinalang drug lord at 4 iba pa, patay sa shootout sa Bohol

By Kabie Aenlle June 06, 2016 - 04:54 AM

shooting incidentLimang katao ang patay kabilang na ang isang hinihinalang drug lord matapos ang shootout sa pagitan nila at ng mga pulis mula sa Cebu.

Naganap ang shootout sa Barangay Cawayan na malapit lang sa bayan ng Inabanga, Bohol, Linggo ng umaga.

Kinilala ni Inabanga police chief Insp. Rolando Lumanas Antipolo ang mga namatay na sina David Anunciado na pinaghihinalaang drug lord, at ang mga kasamahan nito na sina Melkin Ohina, Pio Jostol, Alipio Anuta at Leonides Enoc.

Ayon kay Antipolo, napatay ang mga ito makipag-putukan sila ang mga operatiba ng Regional Special Operations Group in Central Visayas (RSOG-7) at ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office na parehong naka-base sa Cebu, at kasama rin nila ang Inabanga Police Station.

Arestado naman sina Rene Petecio, Daria Nuñez at Justino Vistal na pawang mga residente ng Barangay Cawayan.

Pinaputukan umano ng mga suspek ang mga operatibang may bitbit na search warrant upang halughugin ang bahay ni Jostol na hinihinalang isang drug den.

Nasamsam ng mga otoridad ang iba’t ibang uri ng baril, bala, dalawang granada, at 42 malalaking pakete ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3 million.

Ayon pa kay Antipolo, isa ang Inabanga sa mga bayan ng Bohol kung saan mahal ang bentahan ng iligal na droga.

Hindi naman aniya nila itinatanggi na talamak ang bentahan ng droga sa kanila, kaya nakipagtulungan na sila sa iba pang grupo upang magsagawa ng mga operasyon laban dito. /

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.