Sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 425 kilometers Kanluran ng Dagupan City, Pangasinan bandang 4:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.
Inalis na ng weather bureau ang Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang parte ng bansa.
Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ng occasional to monsoon rains sa western sections ng Central Luzon, Souther Luzon, at Visayas sa susunod na 24 oras.
Patuloy na kikilos ang bagyo pa-Kanluran patungong Vietnam.