Storm signal dahil sa #KardingPH inalis na; Inaasahang lalabas ng bansa mamayang gabi

By Angellic Jordan September 26, 2022 - 05:36 PM

Inaasahang lalabas ng bansa ang Bagyong Karding sa Lunes ng gabi, Setyembre 26.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 425 kilometers Kanluran ng Dagupan City, Pangasinan bandang 4:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.

Inalis na ng weather bureau ang Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang parte ng bansa.

Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ng occasional to monsoon rains sa western sections ng Central Luzon, Souther Luzon, at Visayas sa susunod na 24 oras.

Patuloy na kikilos ang bagyo pa-Kanluran patungong Vietnam.

TAGS: #KardingPH, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, #KardingPH, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.