Higit 17,000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas sa nakalipas na linggo
Nakapagtala ng 17,891 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.
Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Setyembre 26, 2022, base ito sa naitalang datos simula Setyembre 12 hanggang 18.
Mas mataas ito ng 22 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Setyembre 12 hanggang 18.
Nasa 2,556 naman ang daily average cases.
Samantala, may dalawang bagong severe and critical cases habang 242 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.
Lumabas din sa datos na nasa 27.8 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 5,851 sa 21,078 non-ICU beds ang gamit.
22.9 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 576 sa 2,514 ICU beds ang gamit.
Nasa 790 naman ang severe and critical admissions, o 11 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.