Ramadan, magsisimula na ngayong araw

By Kathleen Betina Aenlle June 06, 2016 - 04:53 AM

ramadanNgayong araw ng Lunes, June 6, magsi-simula ang banal na buwan ng Ramadan ng mga Muslim.

Ayon kay Mufti Abu Huraira Udasan ng Darul Ifta o House of Opinion sa Maguindanao at Cotabato, natanaw na ang buwan sa Malaysia kaya magsi-simula na ito araw ng Lunes.

Gayunman, hindi pa naman ito nasilayan sa Pilipinas.

Ang Ramadan ay ang ika-siyam sa 12 buwan ng Hijra lunar calendar na ikinu-konsidera rin bilang pinaka-banal na buwan para sa Islam.

Base kasi sa kasaysayan ng Islam, ito ang buwan kung kailan nakumpleto ang God’s Revelations sa Qur’an.

Ginugunita ito ng mga Muslim sa pamamagitan ng araw-araw na fasting o abstinence sa pagkain, inumin at marital sex mula pag-sikat hanggang pag-lubog ng araw.

Ayon naman kay Alim Abdulmuhmin Mujahid, executive director ng Regional Dharul Ifta (House of Opinion) sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (RDI-ARMM), namahagi sila ng limang Newtonian reflector telescope sa bawat isa sa kanilang limang provincial offices sa rehiyon, pati na rin sa Dharul Ifta ng mga scholars o ulama sa Zamboanga Peninsula.

Ito ay para matulungan sila na masilayan ang buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.