P141.38-M halaga ng agrikultura, nasira dahil sa #KardingPH
Umabot na sa P141.38 milyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa bagyong Karding.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (Setyembre 26), nasa 740 na magsasaka ang naapektuhan ng bagyo sa bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, at CALABARZON.
Ayon sa DA, nasa 5,886 metric tons (MT) ang production loss at 16,229 metric tons (MT) ng produktong agrikultural ang nasira.
Kabilang sa mga pananim na nasira ang bigas, mais, at high value crops.
Patuloy naman ang assessment ng DA, sa pamamagitan ng kanilang Regional Field Offices.
Ayon sa DA, mayroon nang nakalaan na P723.07 milyong pondo na ipang-aayuda sa mga magsasaka at mangingisda.
Kabilang na rito ang:
1. P500 milyon para sa Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon
2. Survival and Recovery (SURE) Assistance Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC);
3. 133,340 sako ng rice seeds, 5,729 bags ng corn seeds, at 4,911 kilo ng iba’t ibang vegetable seeds
4. Drugs at biologics para sa livestock at poultry
Base sa huling abiso ng PAGASA, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Lunes ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.