#KardingPH bahagya pang humina; Maaring lumabas sa PAR mamayang gabi
Bahagya pang humina ang Bagyong Karding habang papalayo sa kalupaan ng Luzon.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 230 kilometers Kanluran ng Dagupan City, Pangasinan bandang 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.
Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour.
Ilang lalawigan na ang inalis sa Tropical Cyclone Wind Signal.
Narito naman ang iba pang lalawigan sa bansa na nakataas sa sumusunod na Tropical Cyclone Wind Signal no. 1:
– Central at western portions ng Pangasinan (Santa Barbara, Bayambang, Mangaldan, Dagupan City, Calasiao, San Carlos City, Basista, Urbiztondo, Mangatarem, Aguilar, Bugallon, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, City of Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Infanta, Malasiqui, Alcala, Bautista), Zambales, western portion ng Tarlac (Camiling, San Clemente, Santa Ignacia, San Jose, Mayantoc, Capas, Bamban), at northwestern portion ng Pampanga (Mabalacat City, Angeles City, Porac, Floridablanca)
Sinabi ng PAGASA na makararanas ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng pag-ulan sa Zambales, Bataan, Lubang Islands, at western portion ng Pangasinan.
Sa nasabing lagay ng panahon, ibinabala ng PAGASA na maari itong magdulot ng pagbaha at landslide.
Patuloy na kikilos ang bagyo pa-Kanluran sa West Philippine Sea patungong Vietnam.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Lunes ng gabi, Setyembre 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.