Pangulong Marcos, nagsagawa ng aerial inspection sa mga lugar na tinamaan ng #KardingPH

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Nagsagawa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng aerial inspection sa mga lugar sa Luzon na tinamaan ng bagyong Karding.

Ibinahagi ng Pangulo ang mga larawan kung saan makikitang lubog sa baha ang ilang bahagi ng Nueva Ecija, Aurora, Tarlac, at Bulacan.

“After our aerial inspection today, we found some areas that are still inundated with water. Nueva Ecija and Aurora are without power,” saad nito.

Sa ngayon, nagpapadala na aniya ng generator sets sa nasabing lalawigan.

Ayon pa sa Punong Ehekutibo, “Generally, the damage to public and private infrastructure is minimal. Government services are almost at full function.”

Maari rin aniyang daanan ang mga main road at maayos ang linya ng komunikasyon.

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Read more...