Higit P1 rollback sa mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas

By Angellic Jordan September 26, 2022 - 10:29 AM

Radyo Inquirer On-Line photo

Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, Setyembre 27.

Naunang mag-anunsiyo ang Cleanfuel, PetroGazz, Seaoil, at Shell kung saan anila, may bawas na P1.65 sa kada litro ng gasolina habang P1.25 naman ang kaltas sa bawat litro ng diesel.

Babawasan naman ng P1.35 ang kada litro ng kerosene ng ng Seaoil at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price adjustment sa Cleanfuel bandang 12:01, Martes ng madaling-araw.

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga.

Asahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, InquirerNews, kerosene, oil, RadyoInquirerNews, BUsiness, diesel, gasoline, InquirerNews, kerosene, oil, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.