Limang rescuer natagpuang patay sa San Miguel, Bulacan

Photo credit: Brgy. Govt. of Kamias, San Miguel Bulacan

Natagpuang wala nang malay ng Bulacan Provincial Government ang limang rescuer sa San Miguel, Bulacan.

Tumulong ang mga rescuer sa ikinasang rescue operations bunsod ng Bagyong Karding sa bahagi ng Sitio Galas sa Barangay Kamias.

Nagkaroon ng pagbaha sa nasabing lugar kasunod ng pananalasa ng nasabing malakas na bagyo.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng limang rescuer.

Read more...