#KardingPH nag-landfall sa Dingalan, Aurora; Nasa bisinidad na ng Nueva Ecija

By Angellic Jordan September 26, 2022 - 12:17 AM

Tumama sa kalupaan ng Dingalan, Aurora ang Typhoon Karding bandang 8:20, Linggo ng gabi.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng San Leonardo, Nueva Ecija dakong 10:00 ng gabi.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 kilometers per hour.

Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Ilang lalawigan na ang inalis sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 5.

Narito ang iba pang lalawigan sa bansa na nakataas sa sumusunod na Tropical Cyclone Wind Signal:

Signal no. 4:
– Central at southern portion ng Nueva Ecija (Llanera, Cuyapo, Talugtug, Science City of Muñoz, Rizal, Bongabon, Laur, Gabaldon, Nampicuan, Guimba, Santo Domingo, Talavera, General Mamerto Natividad, Palayan City, General Tinio, City of Gapan, Peñaranda, Santa Rosa, Cabanatuan City, Aliaga, Quezon, Licab, Zaragoza, Jaen, San Leonardo, San Isidro, San Antonio, Cabiao), Tarlac, Pampanga, Bulacan, northern at central portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Felipe, San Marcelino, San Narciso), at southern portion ng Pangasinan (Bautista, Alcala, Bayambang, Mangatarem, Urbiztondo, Aguilar, Bugallon, Infanta, Dasol, Burgos, Mabini, Labrador)

Signal no. 3:
– Southern at central portion ng Aurora (Baler, Maria Aurora, San Luis, Dingalan), nalalabing bahagi ng Nueva Ecija, Bataan, nalalabing bahagi ng Zambales, nalalabing bahagi ng Pangasinan, northern portion ng Rizal (Rodriguez, San Mateo, Cainta, City of Antipolo, Taytay, Angono, Teresa, Tanay, Baras, Morong), Metro Manila, at ang extreme northern portion ng Quezon (General Nakar)

Signal no. 2:
– nalalabing bahagi ng Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, Benguet, La Union, Cavite, Batangas, Laguna, nalalabing bahagi ng Rizal, northern at central portion ng Quezon (Real, Infanta, Mauban, San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria, Sariaya, Lucena City, City of Tayabas, Lucban, Sampaloc, Mauban, Atimonan, Pagbilao, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Perez, Alabat, Quezon, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Pitogo, Macalelon, General Luna, Buenavista, Catanauan) kabilang ang Polillo Islands, at western portion ng Camarines Norte (Santa Elena, Capalonga, Jose Panganiban, Labo, Paracale, Vinzons) kasama ang Calaguas Islands

Signal no. 1:
– Isabela, Mountain Province, Ifugao, Kalinga, Abra, Ilocos Sur, nalalabing parte ng Quezon, northern portion ng Occidental Mindoro (Paluan, Abra de Ilog, Mamburao, Santa Cruz) including Lubang Islands, northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Naujan, Victoria, Pola, Socorro, Pinamalayan), Marinduque, nalalabing parte ng Camarines Norte, Camarines Sur, at Burias Island

Sinabi ng PAGASA na asahan ang malakas na pag-ulan sa northern portion ng Metro Manila, Central Luzon, Laguna, Rizal, at northern portion ng Quezon kasama ang Polillo Islands hanggang Lunes ng umaga, Setyembre 26.

Mararanasan naman ang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa southern portion ng Metro Manila, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cavite, Batangas, Laguna, central portion ng Quezon, at northern portion ng Occidental at Oriental Mindoro habang mahinang pag-ulan naman ang iiral sa mainland Cagayan, nalalabing parte ng Cordillera Administrative Region, nalalabing parte ng Quezon, at nalalabing parte ng Occidental at Oriental Mindoro.

Ayon pa sa weather bureau, inaasahang unti-unting hihina ang naturang bagyo habang binabagtas ang Luzon.

TAGS: #KardingPH, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, #KardingPH, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.