Archbishop Villegas, paiiralin ang virtue of silence sa gitna ng batikos sa simbahan ni Presidente-elect Duterte

By Isa Avendaño-Umali June 05, 2016 - 06:11 PM

Villegas
Archbishop Socrates Villegas

Binasag na ng isa sa pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katolika ang kanyang pananahimik sa gitna ng mga kritisismo sa kanilang hanay ni President-elect Rodrigo Duterte.

Isang statement ang inilabas ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na may titulong “Understanding Silence,” na sumasagot sa alegasyon ni Duterte sa simbahan.

Pero hindi ito ang inaakalang ‘ganti’ kay Duterte, sa halip, sinabi ni Villegas na gagamitin nila ang “silence of respect” para sa mga tumuturing sa simbahan bilang kaaway.

Nakasaad dito na “There is virtue in silence. There is virtue in speech. Wisdom is knowing when it is time for silence and when is the timing for speech.”

Dagdag pa ni Villegas, “Mine is the silence of Jesus before the arrogance of Pilate.”

Ayon kay Villegas, mayroong nobility sa pananahimik gaya aniya ng pananahimik ng mga tupa na dinala sa katayan sa templo upang pagdusahan ang mga kasalanan.

Nakasaad pa sa statement ni Villegas na “You can understand my speech if you speak the language of silence. You can understand my silence if you know how to love like Him who was born one silent night.”

“Silence indeed is the language of God and only those who speak silence will be able to grasp Him,” dagdag ni Villegas.

Sa mga nakalipas na press conference ni Duterte, binanatan nito ang ilang opisyal ng Simbahang Katolika, at inungkat pa ang ilang kontrobersiya na kinasangkutan ang mga pari at Obispo.

TAGS: archbishop socrates villegas, CBCP, Rodrigo Duterte, archbishop socrates villegas, CBCP, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.