Mga biyahe ng PNR sa Metro Manila, Lucena, at San Pablo sinuspinde dahil sa #KardingPH

Photo credit: PNR/Facebook

Pansamantalang sinuspinde ang ilang biyahe ng mga tren ng Philippine National Railways (PNR) bunsod ng Super Typhoon Karding.

Base ito sa abiso ng pamunuan ng PNR hanggang 3:15, Linggo ng hapon.

Sinuspinde ang biyahe ng PNR trains sa Metro Manila, Lucena, at San Pablo.

Sinabi ng PNR na magbibigay sila ng update oras na manumbalik ang mga byahe.

Read more...