#KardingPH napanatili ang lakas habang papalapit sa Polillo Islands
Napanatili ang lakas ng Super Typhoon Karding habang papalapit sa Polillo Islands.
Sa 2pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 115 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Infanta, Quezon o 76 kilometers Silangan ng Polillo Islands bandang 1:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Bunsod nito, nakataas ang sumusunod na Tropical Cyclone Wind Signal.
Signal no. 5:
– Polillo Islands, extreme northern portion ng Quezon (northern at central portions ng General Nakar, northeastern portion of Infanta), extreme southern portion ng Aurora (Dingalan), eastern portion ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray), at extreme southeastern portion ng Nueva Ecija (southeastern portion ng General Tinio)
Signal no. 4:
– Calaguas Islands, southern portion ng Aurora (San Luis, Baler, Maria Aurora), northern portion ng Quezon (nalalabing parte ng General Nakar, nalalabing parte ng Infanta, Real), northern portion ng Metro Manila (Marikina, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, at Quezon City), central at southern portion ng Nueva Ecija (Gabaldon, nalalabing parte ng General Tinio, City ng Gapan, Peñaranda), nalalabing parte ng Bulacan, Pampanga, northern at central portions ng Rizal (Rodriguez, City ng Antipolo, Tanay, San Mateo, Baras), southeastern portion ng Tarlac (La Paz, Concepcion), at extreme northern portion ng Laguna (Famy, Siniloan, Santa Maria, Pangil)
Signal no. 3:
– Central portion ng Aurora (Dipaculao), southeastern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Sur, Dupax del Norte), nalalabing parte ng Nueva Ecija, nalalabing parte ng Tarlac, Zambales, Bataan, Pangasinan, nalalabing parte ng Metro Manila, nalalabing parte ng Rizal, northern at central portions ng Laguna (Mabitac, Pakil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, Pagsanjan, Luisiana, Majayjay, Magdalena, Santa Cruz, Pila, Liliw, Nagcarlan, Victoria, Rizal, City of San Pedro, City of Biñan, City of Santa Rosa, Cabuyao City, City of Calamba, Los Baños, Bay, Calauan), northern at central portions ng Cavite (Tanza, Rosario, Noveleta, Kawit, Imus City, Bacoor City, City of Dasmariñas, Carmona, Gen. Mariano Alvarez, Silang, Amadeo, City of General Trias, Trece Martires City, Naic, Indang), nalalabing parte ng northern portion ng Quezon (Infanta, Real, General Nakar, Mauban), northern portion ng Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga)
Signal no. 2:
– Southern portion ng Isabela (Dinapigue, San Guillermo, Echague, San Agustin, Jones), Quirino, nalalabing parte ng Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, nalalabing parte ng Aurora, nalalabing parte ng Cavite, Batangas, nalalabing parte ng Laguna, central portions ng Quezon (Calauag, Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Guinayangan, Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Pagbilao, Padre Burgos, Atimonan, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Lopez, Pitogo, Dolores, Candelaria, Sariaya, Tiaong, San Antonio, Macalelon, General Luna, Catanauan, Buenavista), nalalabing parte ng Camarines Norte, northern portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Pamplona, Pasacao, San Fernando, Pili, Minalabac, Ocampo, Tigaon, Cabusao, Magarao, Gainza, Canaman, Camaligan, Milaor, Naga City, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagñay), at Catanduanes
Signal no. 1:
– Southern portion ng Cagayan (Tuao, Solana, Enrile, Tuguegarao City, Iguig, Peñablanca), nalalabing parte ng Isabela, southern portion ng Apayao (Conner), Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, southern portion ng Ilocos Norte (Nueva Era, Badoc, Pinili, Banna, City of Batac, Currimao, Paoay, Marcos), Ilocos Sur, nalalabing parte ng Quezon, northern portion ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, Santa Cruz) kasama ang Lubang Islands, northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Naujan, Victoria, Pola, Socorro, Pinamalayan), Marinduque, nalalabing parte ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias Island at Ticao Island
Sinabi ng PAGASA na sahan ang malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Aurora, Rizal, at northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands.
Mararanasan naman ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Benguet, Ifugao, Mountain Province, Pangasinan, Cavite, Laguna, Batangas, central portion ng Quezon, Occidental Mindoro at Camarines Norte.
Dulot naman ng Southwest Monsoon, iiral ang occasional hanggang monsoon rains sa Palawan, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Sinabi ng PAGASA na maaring mag-landfall ang bagyo sa bisinidad ng northern portion ng Quezon o southern portion ng Aurora sa Linggo ng gabi, Setyembre 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.