#WalangPasok sa Sept. 26 dahil sa #KardingPH
Nag-anunisyo na ang ilang lokal na pamahalaan ng suspensyon ng klase para sa araw ng Lunes, Setyembre 26.
Bunsod ito ng Super Typhoon Karding.
Narito ang mga lugar na suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan:
– Caloocan City
– Manila City
– Marikina City
– Muntinlupa City
– Pasig City
– Quezon City
– Aurora province
– Rizal province
– Quezon province
– Laguna
Nag-anunsiyo na rin ng suspensyon ng pasok sa Manila City Hall at mga tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa National Capital Region, Regions 3, 4-A, 4-B at 5.
Base sa abiso ng PAGASA, taglay ng Bagyong Karding ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 kilometers per hour.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.