Ito ang nilinaw ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP, sa harap ng mga batikos at banat ni Duterte sa mga mamamahayag.
Ayon kay NUJP Secretary General Dabet Panelo, ang panawagang i-boycott ang mga press conference ni Duterte ay hindi nanggaling sa Philippine media.
Sinabi ni Panelo na ‘for the record’ ay ang Paris-based na Reporters Without Boarders ang nagpalabas ng panawagan, na hindi naman sinunod ng mga Pilipinong media practitioner at mga kumpanya.
Ani Panelo, nilinaw mismo ng NUJP at iba pang media organizations na kapag itinuloy ang pag-boycott sa bagong Pangulo ay mistulang pag-abandona ito sa ‘duties and responsibilities’ ng mga mamamahayag na bigyang impormasyon ang mga Pilipino.
Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na umaasa ang NUJP, maging ang iba pang media groups, na kakayanin ni Duterte ang ‘persistence’ ng media sa pag-cover sa kanya.
Sa nakalipas na pulong balitaan ni Duterte, tumanggi siyang humingi ng sorry sa pagsipol sa isang female reporter.
Naghamon din ito sa mga mamamahayag na i-boycott na lamang ang kanyang mga presscon.