Bagyong Karding lumakas pa, Signal No. 1 itinaas sa 9 lugar

By Jan Escosio September 24, 2022 - 07:24 AM

Lumalakas pa ang bagyong Karding at itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa siyam na lugar sa HIlaga at Gitnang Luzon ngayon umaga.

Sa 5am bulletin, Signal No. 1 sa Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, the southern portion of mainland Cagayan (Peñablanca, Tuguegarao City, Iguig, Solana, Tuao, Enrile), Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, at sa hilaga at silangan bahagi ng Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Gabaldon, Bongabon, Laur, Rizal, San Jose City, Lupao, Llanera, Gen. Natividad, Palayan City, at Gen. Tinio).

Huling namataan ang bagyo sa distansiyang 795 kilometro silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan at kumikilos ito sa direksyon ng kanluran-timog kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 95 hanggang 105 kilometro kada oras.

Inaasahan na tatama ito sa kalupaan ng Isabela o Aurora bukas ng umaga o hapon.

Sinabi ng PAGASA na pagkatawid ng bagyo sa bulubunduking bahagi ng Hilagang Luzon, lalabas ito sa West Philippine Sea, hapon ng linggo o Lunes ng umaga.

Hindi isinasantabi ang posibilidad na ang bagyong Karding ay umakyat sa typhoon category mula sa pagiging severe tropical storm pagtama nito sa kalupaan.

TAGS: #KardingPH, Tropical storm, Typhoon, #KardingPH, Tropical storm, Typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.