Hindi POGO workers ang kalaban, kundi mga sindikato – Hontiveros

By Jan Escosio September 23, 2022 - 02:52 PM

Nagbigay pahayag si Senator Risa Hontiveros ukol sa anunsiyo ng Department of Justice (DOJ) na pagpapalayas sa Pilipinas ng mga nagta-trabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sinabi ni Hontiveros na hindi ang mga POGO workers ang kalaban, kundi mga sindikato na patuloy sa pang-aabuso at gumagawa ng ibat-ibang ilegal na aktbidades.

Aniya responsibilidad ng gobyerno na pangalagaan ang POGO workers na biktima ng human trafficking.

Binanggit niya sa pag-iimbestiga ng Senado sa nakalipas na 18th Congress, mas madami sa POGO workers na pumasok sa bansa ang biktima ng mga sindikato ng human at sex traffickings.

Ayon pa kay Hontiveros ang pangangalaga sa kapakanan maging ng mga banyaga ay nakapaloob sa Expanded Anti-Trafficking Act of 2022.

 

TAGS: POGO, syndicate, trafficking, POGO, syndicate, trafficking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.