Pangulong Marcos, nakapulong ang mga opisyal ng World Bank

By Radyo Inquirer On-Line News Team September 23, 2022 - 01:28 PM

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa mga opisyal ng World Bank sa Amerika.

Sideline meeting ito ni Pangulong Marcos na dumadalo sa 77th United Nations General Assembly sa New York.

Ayon sa Pangulo, naging karamay ng Pilipinas ang World Bank sa mga panahon na sinubok ang bansa.

Halimbawa na ang pagbibigay ng resources, linkages, at partnerships para sa social, economic at environmental initiatives.

Nagsimula aniya ang ugnayan ng Pilipinas at World Bank simula noong 1945.

Ayon sa Pangulo, nagpapasalamat at ipinagmamalaki ng Pilipinas na makatuwang ang World Bank para patuloy na mabigyan ng magandang buhay ang bawat Filipino.

TAGS: BBM, BBM admin, InquirerNews, Pangulong Marcos, RadyoInquirerNews, world bank, BBM, BBM admin, InquirerNews, Pangulong Marcos, RadyoInquirerNews, world bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.