Setyembre nais ni Sen. Lito Lapid na maideklarang ‘Film Industry Month’

By Jan Escosio September 23, 2022 - 11:26 AM

SENATE PRIB PHOTO

Naghain ng panukala si Senator Lito Lapid na ang layon ay maideklara ang buwan ng Setyembre bilang Film Industry Month.

Paliwanag ni Lapid sa kanyang Senate Bill 1287 na kilalanin ang mga kontribusyon at sakripisyo ng mga nasa sektor ng paggawa ng pelikula.

Dagdag pa ng senador, ang kanyang panukala ay tugon na rin sa panawagan ng Film Development Council of the Phils. (FDCP) na mapagtibay ang mga probisyon sa Proclamation No. 1085, na nagdedeklara sa Setyembre bilang Philippine Movie Industry Month at masimula ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Nakasaad sa panukala, pangungunahan ng FDCP ang isang linggong pagdiriwang sa pamamagitan ng physical at online festival ng mga dekalidad na pelikula.

“Napakahalaga ng papel ng mga pelikula sa ating mga buhay bilang mga Pilipino. Hindi masusukat ang laki ng impluwensya sa ating kultura ng mga pelikula. Sinasalamin ng mga nito ang ating ugali bilang mga Pinoy, ang ating lakas at kahinaan bilang bansa at mga pangunahing ideolohiya at paniniwala,” saad pa ni Lapid.

TAGS: FDCP, Film Festival, film industry, FDCP, Film Festival, film industry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.