2,000 COVID 19 cases sa Metro Manila posible sa susunod na buwan
Maaring makapagtala ng halos 2,000 COVID 19 cases sa Metro Manila sa susunod na buwan.
Ito ang ibinahagi ni OCTA Research fellow Guido David matapos mapansin na tumataas ang positivity rate sa kapitolyong rehiyon ng bansa.
Aniya mula sa 14.3 porsiyento na naitalang positivity rate noong Setyembre 14, umakyat ito sa 17.5 porsiyento noong Setyembre 21 o makalipas ang isang linggo.
Aniya katulad ito sa naitala na pinakamataas noong Agosto 5.
“It is now likely that this current resurgence will see higher positivity rates over the next weeks. It looks like the NCR will exceed 2,000 cases per day by the start of October,” sabi ni David.
Binanggit naman niya na nananatiling mababa ang healthcare utilization rate sa Metro Manila dahil sa COVID 19.
Kamakailan, ginawa na lamang ‘voluntary’ ni Pangulong Marcos Jr., ang pagsusuot ng mask sa ‘outdoor and open spaces.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.